29/08/2026
π PANALANGIN NG PASASALAMAT AT KALIGTASAN
Panginoon naming Diyos,
Buong puso kaming nagpapasalamat sa Iyong patuloy na pag-iingat at pagkalinga sa amin ngayong panahon ng malalakas na pag-ulan. Salamat sa bawat araw na kami ay Iyong inililigtas, pinoprotektahan, at binibigyan ng lakas upang harapin ang anumang pagsubok.
Panginoon, aming idinadalangin ang lahat ng aming mga kababayan na nasalanta ng baha at masamang panahon, lalo na ang mga pamilyang napilitang lumikas at kasalukuyang nananatili sa mga evacuation center.
Bigyan Mo po sila ng kaligtasan, lakas, mabuting kalusugan, pagkain, tubig, at mga kinakailangang tulong. Patatagin Mo ang kanilang puso at punuin ng pag-asa sa kabila ng kanilang pinagdaraanan. Ingatan Mo rin ang kanilang mga tahanan at kabuhayan.
Pagpalain at ingatan Mo ang mga rescuers, barangay responders, volunteers, health workers, at lahat ng tumutulong sa mga nangangailangan. Bigyan Mo sila ng karunungan, tapang, at lakas sa kanilang paglilingkod.
Panginoon, patuloy Mo kaming gabayan upang maging mapagmatyag, handa, at nagkakaisa bilang isang komunidad. Nawa'y walang sinuman ang maiwan at patuloy naming maipadama ang malasakit at pagtutulungan sa isa't isa.
Sa Iyong awa at pagmamahal, ipinagkakatiwala namin ang aming mga sarili, aming mga pamilya, at buong pamayanan.
Amen. π
28/08/2026
π§οΈ PAALALA AT ADVISORY | NGAYONG GABI
β οΈ Mag-ingat po ang lahat ng ating mga kabarangay!
Dahil sa malakas na buhos ng ulan ngayong gabi, pinapayuhan ang lahat na manatili muna sa ligtas na lugar, iwasan munang lumabas kung hindi naman importante ang paglabas at maging alerto sa anumang posibleng insidente.
π’ Kung may anumang pangyayari o nangangailangan ng agarang tulong, mangyaring mag-report agad sa Barangay.
π Tumawag sa Hotline Number ng ating Barangay 0955 715 3597 para sa agarang pag-aksyon at pagtugon.
π Ingat po tayong lahat. Unahin ang kaligtasan ng bawat isa at ng ating pamilya.
Barangay Francisco Homes Guijo
Patuloy na nagbabantay at handang tumugon para sa kaligtasan ng ating mga kabarangay.
13/08/2026
PAALALA SA PUBLIKO | SCHEDULED POWER INTERRUPTION
β‘ MAHALAGANG ABISO SA MGA KABARANGAY!
Batay sa natanggap na abiso mula sa AJLR Electrical Supply & Services Inc., magkakaroon ng scheduled power interruption sa:
π
Agosto 17, 2026 (Lunes)
π 9:00 AM β 3:00 PM
π Mga Lugar na Maaapektuhan:
β’ Phase A at Kabute
β’ Phase M1, Francisco Homes
Ang power interruption ay bahagi ng kinakailangang maintenance works sa mga pasilidad ng MERALCO upang mapanatili at mapabuti ang kalidad, reliability, at efficiency ng serbisyo ng kuryente.
π Hinihiling po ang inyong pang-unawa at pakikiisa. Pinapayuhan ang lahat na maghanda ng kinakailangang suplay ng kuryente at magsagawa ng kaukulang pag-iingat habang isinasagawa ang maintenance.
π Paalala: Maaaring maibalik ang suplay ng kuryente bago o lampas sa itinakdang oras depende sa aktuwal na kalagayan ng maintenance work.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na pakikiisa.
β Barangay Francisco Homes Guijo
12/08/2026
PAALALA NA MAGLINIS KUNG LIGTAS NA ANG PALIGID MATAPOS ANG BAHA
Detalye sa comment section.
11/08/2026
PAGDATING SA STROKE, DAPAT LAGING BE FAST!
Detalye sa Comment Section